top of page

Ang Alamat ng Maya


Noong unang panahon, may isang batang ubod ng likot. Ang pangalan niya ay Rita. Maliban sa pagiging malikot ay may mga bagay ding ginagawa si Rita na di dapat gawin ng mga batang kasing gulang niya at dahil dito ay naiinis ang kanyang ina sa kanya. Isang araw matapos mapagod sa paglalaro ay umuwi si Rita at nakita ang inang nagbabayo ng palay. Pinanood lamang niya ang kanyang ina sa ginagawa nito. Nang makapagbayo na ng isang salop ng bigas ang kanyang ina, kinuha niya ito mula sa lalagyan at kinain sa sobrang gutom mula sa paglalaro. Ang lalagyan ng napagbayuhang bigas ay malaki at may takip na bilao. Hindi napansn ng ina ang anak dahil sa natakpan na pala ito ng bilao. Nang matapos na ang ina sa pagbabayo ng bigas ay tinawag niya si Rita upang mautusan ito upang maitago na ang mga binayo, ngunit hindi ito sumagot. Marahil ay naglalaro lamang o hindi gustong mapag-utusan ay hinanap ng ina ang malikot niyang anak. Hindi niya ito mahanap sa lahat ng madalas nitong pagtaguan. Nang bubuhatin na niya ang lalagyan ay nalaglag ang bilaong takip nito at may nakita siyang maliit na ibon sa loob nito. ang maliit na ibong iyon ay malikot at kumakain ng bigas. Ang ibong iyon ay si Rita na ngayon ay tinatawag ng maya.

 

Maya

Bird

The term maya refers to a folk taxon often used in the Philippines to refer to a variety of small, commonly observed passerine birds, including a number of sparrows, finches and munias. Wikipedia

Lifespan: Eurasian tree sparrow: 3 years

Length: Eurasian tree sparrow: 12 – 14 cm

Wingspan: Eurasian tree sparrow: 21 cm

Clutch size: Eurasian tree sparrow: 5 – 6

Mass: Eurasian tree sparrow: 24 g, Java sparrow: 25 g

 

Featured Review
Tag Cloud
No tags yet.
bottom of page