ANG ALAMAT NG BUNDOK PINATUBO
Sa kahariang Masinlok, may isang matandang datu na hindi masaya kahit sariwa ang hangin at luntian ang mga dahoon ng mga batang halaman sa paligid. Ang kagandahan ng umagang iyon ay walang epekto sa ugali ng datu. Malungkot ang matandang datu dahil nais niyang mangaso ulit tulad ng dati sa isang malayong bundok. Ngunit, hindi niya ito kaya dahil mahina na ang kaniyang katawan.
Isang araw, may dumating na salamangkero sa kaharian. Nais ng salamangkero na magpakasal kay Prinsesa Alindaya kaya nagbigay siya ng solusyon sa problema ng datu. Magpapatubo ang salamangkero ng isang bundok para sa pangangaso ng datu. Kumuha siya ng maliit na bato at itinanim niya ito sa lupa katulad ng pagtatanim ng isang halaman. Biglang tumubo ang isang bundok sa loob ng ilang minuto sa lugar kung saan itinanim ang maliit na bato.
Namangha ang hari sa ginawa ng salamangkero at nagpasiya na ipakasal niya si Prinsesa Alindaya sa salamangkero. Nalungkot ang prinsesa sa ginawang pasya ng kaniyang ama dahil parang ipinagpalit lang siya ng isang bundok. Nagkasakit ang prinsesa dahil sa walang tigil na pag-iiyak. Hindi na natuloy ang kasalan.
Umuwi nang galit ang salamangkero dahil sa kaniyang kabiguan. Dahil nagulo ang kaniyang loob, hindi niya napansin na lumalaki ang bundok. Ito’y naging problema ng datu at inutusan niyang pugutan ang salamangkero. Hinuli nga ang salamangkero at siya’y pinatay.
Ngunit, wala itong ginawa sa lumulubhang suliranin at nakaabot ang balita sa kaharian ng Pangasinan. Narinig ni Prinsipe Malakas ang nagyaring suliranin sa kahariang Masinlok at agad siyang pumunta roon.
Nang dumating ang prinsipe, binunot lang niya ang bundok nang walang kahirap-hirap at ihinagis niya ito sa lugar na kinaroroonan nito ngayon. Nagkaroon ng isang malaking pagdiriwang para kay Prinsipe Malakas at nagpakasal siya kay Prinsesa Alindaya.
Ang guwang na nilikha ng pagkabunot sa bundok ay unti-unting napuno ng tubig hanggang ito’y naging isang lawa. Tinawag nila ito “Lawa ni Alindaya” dahil ang kagandahan ng prinsesa at ang pag-ibig niya ang dahilan ng pagkakaroon ng Bundok Pinatubo.
Mount Pinatubo
Stratovolcano in the Philippines
Mount Pinatubo is an active stratovolcano in the Cabusilan Mountains on the island of Luzon, near the tripoint of the Philippine provinces of Zambales, Tarlac and Pampanga. Wikipedia
Last eruption: 1993
Elevation: 1,486 m
Prominence: 1,486 m
Mountain range: Zambales Mountains
Provinces: Pampanga, Zambales, Tarlac