top of page

Alamat ng Tiyanak


Si Isko ay isang magsasaka. Isang araw habang naglalakad mula sa kanyang tahanan patungong bayan upang mamili sa palengke ng mga gagamitin niya sa pagsasaka. Malayo-layo rin ang kanyang lalakbayin. Sa isang liblib na lugar na malapit sa may batis ay may narinig siyang isang malakas na iyak ng bata. Si Isko ay nagtataka kung papaano nagkaroon ng sanggol sa lugar na iyon. Hinanap niya ito hanggang sa ito’y kanyang natagpuan. Nagulat si Isko ng makita niya ang isang sanggol na hubo’t-hubad na nakahiga sa damuhan.

Dahil si Isko ay likas na maawain ay kinuha niya ang sanggol. “Sino kayang ina na walang puso ang nag-iwan nito” ani ni Isko. Naisip ni Isko na dalhin sa bayan ang sanggol. Habang siya ay naglalakad, karga niya ang sanggol na patuloy ang pag-iyak, “Siguro ay giniginaw ang sanggol na ito” ani Isko. Upang mabawasan ang ginaw ng sanggol ay kanyang binuksan ang pagkakabutones ng kanyang damit at ibinalot ang kawawang sanggol. Tumahan ang sanggol at ito naman ay ikinatuwa ni Isko.

Ilang saglit ang nakalipas ay nakaramdam si Isko na bahagyang kirot sa knayang tagiliran. Ito’y sinawalang bahala niya sa pag-aakalang ni lalaro lamang ng sanggol ang knayang sarili. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang tila bumibigat ang sanggol. “kapag nagpatuloy pa ito ay ilalabas ko na sa loob ng aking damit.” Nang hindi na niya matagalan ay inilabas na niya ito at pinagmasdan. Ang gulat ni Isko ng kanyang makita na ang sanggol pala ay isang halimaw, nakakatakot ng itsura. Isang matandang duwende na mabalahibo, Malaki at matatalim ang ngipin. Kinagat ng duwende ang kaniyang tagiliran at nakapag-iwan ito ng malalim na sugat. “Isa kang tiyanak.” Sigaw ni Isko at kaniyang inihagis ang tiyanak. “Ha! Ha! Ha!” halakhak ng halimaw. “Natikman ko rin ang iyong dugo.” Wika nito at ito’y biglang naglaho. Duguan ang tagiliran ni Isko. Kaya’t nagtungo siya sa bayan upang ipagamot ang kanyang sugat.

Featured Review
Tag Cloud
bottom of page