top of page

Alamat ng Bahag-hari


Maraming tao ang nagtataka at humahanga sa magagandang kulay ngbahag- hari. Subalit hindi nila matiyak ang totoong pinagmulan nito. Sabi ng mga matatanda na tuwing lalabas ang bahag- hari, nagbibgayito ng pahiwatig sa tao. Makalipas ang ilang libong taon, maramingnilikha ang naghahari sa kalupaan. Ang pamumuhay nila ay nagingmasaya at ang bawat isa ay nagmamahalan.

Lumipas ang ilang taon, naiba ang takbo ng kanilang buhay. Nagingmakasalanan at gumulo ang mga tao. Naghari ang kasamaan, iilanlamang sa kanila ang naging mabubuting tao. Ang Dakilang lumikha ay hindi na natiis ang nangyayari sa mundo. Isang araw nagpadala ito ngsugo para iparating sa mga tao na magsisi na sila sa kanilang mgakasalanan at magbago.

Hindi pinakinggan ng mga tao ang sugo na ipinadala, sa halip ay pinagtawanan at sinaktan pa ito. Ang Dakilang lumikha ay nagalit samga tao dahil sa kanilang kalapastanganan.

Pinarusahan ng Dakilang lumikha ang mga tao. Nagdilim ang kalangitan at bumuhos ang napakalakas na ulan. Kaya’t bumaha ang buongkapaligiran. Ang lahat ng masasamang tao’y nangamatay at ang mgamabubuti na nakinig sa sugo lamang ang nakaligtas at naiwan. Nang tumigil na ang malakas na ulan at humupa na ang baha ay mulingumaliwalas ang langit. Mula sa langit ay natanaw nila na may isangarko ang lumitaw at nagtataglay ito ng iba’t ibang mga magagandangkulay. Nagdasal ang mga mabubuting tao at tunay na nananalig saDakilang lumikha. At ang arkong may iba’t ibang kulay ay tinawag na “Bahaghari.” At hanggang ngayon ay makikita natin lumalabas angBahag- hari matapos umulan ng malakas. Marahil paalala ito ng Diyosna kung tuluyang magiging makasalanan ang mga tao’y muling malilipolang mga masasama.

Featured Review
Tag Cloud
bottom of page