top of page

Ang Alamat Ng Bulkang Mayon


Ang pinuno ng mga Bikolano ay si Raha Makusog.Mayroon siyang kaisa-isang anak na dalaga, si Daragang Magayon na ang ibig sabihin ay Dalagang Maganda.

Kilalang-kilala ang kagandahan ng prinsesa hanggang sa malalayong pook. Marami siyang manliligaw at isa na rito si Pagtuga, isang mayaman, bantog na mandirigma nguni't masama ang ugali pagdating sa kayamanan.

Nakarating sa katagalugan ang usap-usapan tungkol sa magandang dalaga, Nabalitaan ito ni Ginoong Alapaap na anak ng isang lakan. Maganda ang kanyang tindig, matalino at magalang. Ibig niyang mapatunayan ang kagandahan ni Daragang Magayon kung kaya't siya ay naglakbay patungong Bikol.

Matagal na nagmasid si Alapaap sa ilog na ayon sa nagsabi sa kanya ay doon madalas maligo si Daragang Magayon. Nagbunga naman ang kanyang pagsisikap. Minsan ay naligong mag-isa si Daragang Magayon sa ilog, nguni't sa kasamaang-palad ay na dupilas ang dalaga at nahulog sa tubig na may kalaliman. Mabilis na tumalon sa tubig si Alapaap upang iligtas ang babae.

"Sino ka?" tanong ng dalaga. "Ano ang ginagawa mo rito?"

"Huwag po ninyong ikagagalit. Isa po akong hamak na Tagalog buhat pa sa malayong lugar upang masilayan lamang ang iwi mong kagandahan. Ibig ko sanang makasama ka habang-buhay," magalang na tugon ni Aiapaap.

"Baka nangangarap ka?" ang nakangiting tugon ng dalaga.

Sa maikling kuwento ay nagkaigihan ang dalawa. Nagkasundo silang pakasal, Umuwi si Alapaap upang" sunduin ang kanyang mga magulang. Nabalitaan ni Pagtuga ang balak ng dalawa kaya't gumawa siya ng paraan upang sagkaan ito. Tinipon niyang lahat ang kanyang mga tauhan at binihag si Raha Makusog. Sinabihan niya si Daragang Magayon na pakakawalan lamang ang kanyang ama kung siya ay papayag na pakasal kay Pagtuga. Napilitang sumang ayon ang dalaga alang-alang sa kaligtasan ng ama.

Samantala, hindi ito nalingid kay Alapaap Siya sampu ng kanyang mga tauhan ay lumusob bago naisakatuparan ang kasala nina Daragang Magayon at Pagtuga. Napatay ni Alapaap si Pagtuga nguni't sa kasamaang-palad ay tinamaan nang hindi sinasadya si Daragang Magayon. Sa pagtulong ni Alapaap kay Daragang Magayon, siya ay nahagip din ng isang saksak ng tauhan ni Pagtuga. Ang tatlo ay sabay-sabay na namatay sina Daragang Magayon, Alapaap at Pagtuga. Silang tatlo ay sabay-sabay ding inilibing sa gitna ng malawak nabukid. Lahat ng hiyas at kayamanan ni Daragang Magayon ay kasama sa hukay niya pati na ang mga regalo sa kanya ni Pagtuga.

Pagkalipas ng tatlong gabi, nagulat ang mamamayan sa lakas ng lindol sabay ng tunog ng malalakas nakolog at kidlat. Kinabukasan ay nagisnan nilang tumaas ang ipinaglibingan ni Daragang Magayon at ng dalawa niyang mangingibig. Tumaas nang tumaas ang puntod natila isang bundok. Nagkaroon ito ng magandang hugis at naging bulkan. Ayon sa pari ang magandang bulkan ay si Daragang Magayon ang maitim na usok ay ang maitim na budhi ni Pagtuga nalabis ang kasakiman sa kayamanan. Naroon pa siya at gustong bawiin ang mga iniregalo kay Daragang Magayon. Maganda ang bulkan nguni't ito'y pumuputok at nag-aapoy sa galit kapag naaalala nito ang kasakiman ni Pagtuga. Unti-unting pumapayapa ito kapag nararamdaman niyang nasa piling niya si Alapaap at patuloy na nagmamahal sa kanya.

Mula noon ang bulkan ay tinawag na Mayon. Ang bayan na kinatatayuan ng bulkan ay tinawag na Daraga bilang pag-alaala kay Daragang Magayon.

 

POPULAR VIDEOS:

Featured Review
Tag Cloud
bottom of page